‘Pag bored ka nga naman.
Kahit gusto mo ng umalis sa harap ng laptop mo, hindi mo magawa. Tinatamad ka e. Kinakain ka na niya. Kahit alam mong wala ka ng magawa sa net, you keep your fingers on the keys. Feeling mo kasi, mas safe ka dito kesa tumalikod ka at humarap sa realidad (o reyalidad?).
‘Pag bored ka nga naman.
You keep on thinking what to do pero pag nakaisip ka na ng gagawin, iniisip mong “next time nalang” or “mamaya nalang.” Minsan, kadugtong din kasi ng boredom ang katamaran. Pisikal na katamaran siguro. Kasi kahit ‘di ka gumagalaw, ang daming kumukulit sa utak mo. Isip ka lang ng isip. Wala lang, isip lang. At nasasayang lang. Kasi nasa loob lang siya ng kulu-kulubot mong utak. Ang daming ideas na naka-tengga lang dahil sa katamaran. Ang lakas ng katamaran noh? Tinatalo ka niya ng ‘di mo namamalayan. Tulad ngayon. Madilim na pala sa labas. Lumipad nanaman ang oras ng ‘di ko napapansin. Tsk.
‘Pag bored ka nga naman.
Kadugtong nung nasa taas, ang dami mong iniisip na gawin. Pero minsan, yung hindi mo pa inaasahang gawin, yun pa yung ginagawa mo. Ang weird na ang cool noh? Bakit kaya ganun? Hindi kaya nababaliw ka na kapag bored ka? (HAHAHAHAHA!) Kahit ako e. Nagtataka ako kung bakit ako nagpipipindot ngayon sa keyboard. Gumagawa ng pinaka-nonsense na blog na nagawa ko. At sa lahat ng blogs ko, eto pa yung ipa-publicize ko at i-popost sa tumblr. (Dahil hindi ako nagpopost ng blogs ko sa net.) Walang kwenta. Aksaya lang sa kilobytes, milliseconds at joules.
‘Pag bored ka nga naman.
(Produkto ng boredom. Namatay na ko. Natawa nalang ako ng basahin ko ulit. ;D )
Chalk Board theme