It’s never too late;D
Showing your gratitude is never too late;)
Gusto kong pasalamatan ang lahat ng nanuod ng Harmonya’s 2nd concert, seLeBrasyon: Paghahabi ng Kwerdas ng Buhay, last feb. 9-11. Maraming salamat sa mga UP students, outside market, parents and friends na sumuporta at naniniwala sa kapangyarihan ng musika. Malaking karangalan sa Harmonya ang malaman mula sa inyo na nahawakan namin ang inyong mga puso. Sobrang saya para sa bawat myembro ang makabasa ng posts at comments na punong puno ng kasiyahan hatid ng aming konsyerto. Nakakatuwa na marami ang na-inspire at napasaya ng aming musika. May iba pa nga na nakapag-compose ng sarili niyang kanta after niyang manuod ng concert. Sobrang saya! Sa mga ganitong feedbacks kami nakakakuha ng inspirasyon na magpatuloy pa sa aming ginagawa at pagbutihin ang paglikha ng musika. Ito ang tunay na selebrasyon. Selebrasyon na hatid ng musika;D
Maraming salamat din sa Harmonya friends na tumulong sa pagbuo ng produksyon na ito, kay Ma’am Angge at sa lahat ng myembro ng Harmonya. Kahit sobrang daming problemang dumaan, nalagpasan pa rin natin ‘to without giving up. Ika nga natin lagi, tulungan lang. Hilahan lang ng bawat isa pataas. Sobrang saya nung sama sama tayong nagplano at gumawa ng paraan para mas makagawa pa ng ingay para sa concert natin. Helping each other to attain one, common goal is really an effective way to surpass any challenges. Sana patuloy tayong maging ganun. Manalaytay pa din ang dugo at pusong Harmonya. Weehooo! ;D Sulit lahat ng pagod! This experience really made a BIG mark in my mind and heart. Maraming maraming salamat sa stress, lungkot, galit, excitement, at syempre, sa SAYA! After ng concert, alam ko na kung bakit ako nasa Harmonya;)))
Matapos ang concert, alam ko, pare pareho kami ng naramdaman. Parang hinihila kami ng matinding gravity pabalik sa tunay na mundo dahil natagalan din ang pananatili namin sa aming sariling mundo ng musika - mundo na punong puno ng kasiyahan maging mga mahahalagang aral na hindi kayang tapatan ng mga itinuturo sa apat na sulok ng kwarto. Mahirap bumalik sa reyalidad. Ngunit eto ang matinding pagsubok sa amin palagi, sa bawat isa. Mabuti na lamang ay may transition stage palagi para samin. Nandyan ang feb fair! Weehoo;D At least, may enough time para sa acads at enough time din para makapagsaya kasama ang harmonya tuwing gabi. Kahit maulan buong week ng fair, gora pa din! Party to the max! Ang saya mag-ferris wheel (kahit nakakahilo), mag caterpillar, mag target shooting, balloon popping (haha!), magpahenna, magpapicture sa photo booth, mag shopping, food trip at kung ano ano pa! Maraming salamat din sa mga sweet naming Brods na bumili ng dalawang cake para samin. Swerte talaga namin sa inyo. HAHAHA;D
Sa ikatlong taon ko sa UPLB, masaya ako sa lahat ng mga desisyon na ginawa ko. At ang pinakapinagpapasalamat ko na ginawa ko ay ang pagpasok ko sa Harmonya. Kung hindi ko ginawa yun, marahil ay hindi ko mabubusog ang aking puso sa mga alaala, inspirasyon, lungkot at ligaya na naranasan ko sa piling ng HARMONYA;D
-
1ofthe2brokegirls liked this
-
ghiyanne posted this
Chalk Board theme