7 months ago
Lechugas na Sapatos

Ok. Isang buwan ko ng pinagawa ang sapatos ko. At everytime bumbalik ako dun, laging sinasabi, “Balikan mo nalang mamayang hapon.” O kaya “balikan mo nalang bukas.” Nakailang hapon at bukas na ko. umabot na nga sa higit isang buwan e. Hanggang sa todong na-bad trip na ko kay manong…

Manong: Balikan mo nalang mamayang hapon.

Gian: E nakailang balik na po ako e.

Manong: E hintayin mo nalang. Kita mong may ginagawa ako dito e. (at mataas na ang tono ng matanda.)

Gian: (‘di na nakapagpigil) E ISANG BUWAN NA NGA KONG NAGHIHINTAY! (Sabay walk out.)

Tae. Ka-bad trip talaga. ‘Di ko na naisip ang layo ng edad namin at ang implikasyon nun na kailangan ko siyang galangin. Aba. Ako kaya ang costumer. At siya ang may pagkukulang. Bakit siya pa may ganang magalit? Kung ayaw niyang pa-distorbo sa gawain niya, edi ibigay na niya yung sapatos. Magagalit pa wala naman sa lugar. JIBA NA SIYA!!

P.S. Wala na kong balak pang habulin ang sapatos na yun. Nanghihinayang lang ako sa 100 pesos na down payment. Ewan, tinatamad na rin akong balikan at singilin pa siya. Pamasko ko nalang yun sa kaniya.


Chalk Board theme