8 months ago
Tapik ng Daliri (2)

Minsan, may mga bagay na gusto mo nalang bawiin. Sana hindi mo na ginawa o sinabi. O kaya naman, sana hindi na nangyari.

‘Pag bumaon talaga, ang hirap ng i-ahon ulit noh? At kung matanggal man yung bagay na yun na tumusok ng pagkalalim-lalim, sobrang hirap namang pagalingin ng sugat. Kahit anong gamot para gumaling, o kaya naman pangtapal na kahit ano para matakpan ang sugat, dadaing at dadaing ka pa din sa sakit. Unti unti ngang mawawala pero mararamdaman mo pa din ‘yung kirot. At syempre, hindi pa nagtatapos dyan. May mga pagkakataong madadanggi pa yan o kaya matatamaan ulit ng kung ano kaya mararamdaman mo nanaman ‘yung kirot. Back to square one. Pa-ulit ulit na proseso pero pa-ulit ulit din na mangyayari. Hanggang sa mapapagod ka nalang na intindihin ito, kalilimutan mo nalang at mamamanhid ka nalang everytime na sasakit siya ulit.

Mas maganda kaya ‘yung ganon? O mas ok pa din na pagpaguran mong gumaling?

At bakit ba ko nag-aabalang magsulat ng ganito? HAHA! At naiinitindihan mo ba ang nakasulat dito?

Anyway, hindi ito dapat ang inaasikaso ko.. .

  1. ghiyanne posted this

Chalk Board theme