Setyembre 18, 2011: ETO NA;D
Eto na. 19 na ko. Sh*t lang. Ambilis! Huling taon na ng pagiging teenager. Grabe. Ang bilis talaga ng panahon. Pero sabi nga nila, age is just a number. Kaya wala akong pake kung huling taon na ng pagiging teenager ko! I’ll still be young at heart. HAHAHA;D
Simula nung nag-aral ako sa elbi, laging hindi ako nakakauwi ng maaga pag birthday ko. Nung first year, may community visit kami kaya di ako nakauwi agad. Nung debut ko naman, may rehearsal ang Harmonya sa Ondine kaya di rin nakauwi agad. At ngayon naman, may practice ako ng sayaw sa PE. Grabe. PE. PE. Ok, no comment. HAHA;D
Pero ayos lang din naman. Nakakapagcelebrate ako sa dalawang lugar na sobrang malapit sa puso ko: Cavite at Elbi. OHA. Double celebration! Susyaaaal. HAHA;D
At sa unang araw ng pagiging 19 ko, eto ang mga bagay na ginawa ko na talaga namang tatak nanaman sa puso’t isipan ko. NAKS;D
1. Binilhan ako ng napakasweet kong sisses ng chocolate ice cream. Ang sayaaaa. Nakaka-touch sila. Ang sarap sa feeling ng may sisses ka kahit hindi biologically related. Kahit papano, nararanasan ko kung pano ang may kapatid;D At syempre, hindi lang nagtapos yun dun. Nag-jam lang naman kami hanggang madaling araw. Naging singer ako sa gabi e. HAHA! Ang saya ng mga record namin. Kala mo mga artista lang e. HAHA! Ang saya ng trip sa napakaespesyal na araw;D
2. Nag-agahan ng itlog, sardinas, corned beef at tuna. Lahat na ng de lata! San ka pa?! Fiesta ng de lata! HAHA;D
3. At syempre, pagdating naman sa Cavite, ever ready na ang lahat para sa kainan. The best talaga sila mama at papa;D
4. At eto pa. Dumating ang mga taong bihira ko lang makita Si Francis at si Princess. Ang saya! SA WAKAS, nagpakita din sila. haha! partly malungkot din dahil hindi kami buo. pero ok lang, naiintindihan ko naman na may mga kailangan din silang gawin. Sabi nga namin,”marami pang next time.” Ayun, naging motto na at palaging nauudlot ang mga lakad at pagkikita kasi nga, marami pang “next time.” HAHA;D
4. At eto. Eto ako ngayon. Nagkekwento ng mga nangyari sakin. Trip lang. HAHA! Gusto ko lang din makita ng pa-ulit2x kung paano lumilipas ang espesyal na araw sa buhay ko. Ang saya lang magsulat at magshare ng random thoughts. Kahit di mo alam kung sino ang mga pwedeng makabasa nito. HAHA!
Super thankful talaga ako kay Lord for making me happy on this special day. Kaya para sa lahat ng naging bahagi nito, maraming MARAMING SALAMAT;D Sana lagi kayong manatili para palaging espesyal ang araw ko;))
Chalk Board theme