Setyembre 17, 2011: Huling araw ng pagiging disiotso
Ang bilis. Ilang oras nalang, hindi na ko 18. Parang lumipad lang yung edad na pinakahihintay ng karamihan. At ngayon, papasok na ang huling edad ng pagiging teenager. Eto na yun, last na. Omigash!
Sa huling araw ng pagiging 18 ko, eto ang mga simple, at ang iba naman ay nakakatawang ginawa ko sa araw na iyon.
1. Nag-videoke at sobrang nabangag sa square. First time yun. HAHA;D
2. Natulong ng mga 4am at gumising ng 8.30am sa pag-aakalang magigising namin si Din para mapapasok siya sa CWTS niya. Pero nag-fail kami dahil ‘di niya kami pinansin at natulog lang siya ng tuluyan. Fail, sisses;( haha!
3. Tumambay lang buong umaga sa Roy’s at nagkwentuhan ng parang walang bukas nila Elai, Din, at Yna;D
4. Nag take out ng lunch sa Bugel’s at nanatili pa rin sa Roy’s.
5. Kahit weekend at bisperas na ng birthday ko, nag-acads mode pa din. OHA;D Photo shoot kasama si Eca para sa photo essay namin.
6. Mga 7.30 ng gabi, sumayaw ng pang-Maria Clara sa DL. Eto talaga ang dahilan kung bakit hindi ako nakauwi agad. Nagpractice ng sayaw. Akalain mo, makakapagperform ako sa DL dahil sa PE. Kung dati, isa akong gitarista sa tuwing nagperperform sa DL kasama ang Harmonya, ngayon naman, folk dancer na ang role ko. San ka pa?! haha!
7. Nag-dinner ng IHAW. Talaga naman. Bisperas na yun ha? Tipid mode pa din! haha;D
Natapos ang pagiging 18 ko ng ganito. Nag-stay sa elbi para sa acads. Martyr diba? HAHA;D Pero ayos lang. Hindi naman laging aayon ang tadhana sa gusto mo. Kailangan, matuto ka nalang tanggapin yun at sumabay sa agos nito. Gumawa ng mga bagay na magpapasaya sayo kahit hindi mo pa gusto ang sitwasyon. At sigurado namang may mga tao sa paligid mo na pagagandahin ang takbo ng araw mo;D
Chalk Board theme