1 week ago

Though its blurred with a toilet on the background, I still WANT to POST it! HAHAHA;D

Though its blurred with a toilet on the background, I still WANT to POST it! HAHAHA;D

2 weeks ago
Inosenteng Tinig

Habang tinatamad pa kong kumilos para maghanda papuntang Elbi, naglalaro ng word search sa phone at nakikinig sa Air Supply playlist na pinapatugtog ng kapit bahay, hindi ko sinasadyang marinig ang usapan ng mga bata. Sa una, tipikal na usapang pambata lamang - gawain sa eskwela, mga characters sa DOTA at ang kanilang mga kaibigan. Ngunit dumating sa isang usapan na umengganyo sa aking tenga na mas lalo pang makinig.

Bata 1: Anong kukunin mo pag nag-first year college ka na? Engineer ba?

Bata 2: Hindi e. Gusto kong mag-pulis. Tapos babalikan ko yung mga masasamaang loob dito. At pag nakapag-ipon ako, gusto kong tumira sa ibang bansa.

Matapos marinig ang sinabi ng ikalawang bata, napaisip ako. Siguro, sa murang edad ay marami na siyang napagdaanan sa buhay kaya niya nasambit ang mga ito. Maganda ang una niyang hangarin. Ngunit nalungkot ako sa sumunod niyang sinabi. Marahil ay ramdam na ramdam niya ang hirap ng buhay dito sa Pilipinas kaya niya naisip ang mga ito.

Kung nabibigay lang sana ng gobyerno ang SAPAT at DAPAT para sa bayan, marahil ay hindi na ito maisip ng mga batang Juan. Marahil ay naisin na lamang nila na paglingkuran ang kanilang sariling bayan.

3 weeks ago

Habang hindi pa ubos ang napamaskuhan. Yey Yellow Cab;D

Habang hindi pa ubos ang napamaskuhan. Yey Yellow Cab;D

I just so love skies. How I wish I could reach it;)

I just so love skies. How I wish I could reach it;)

3 weeks ago

yung gusto mo ng matulog pero hindi ka makatulog. kainis diba? >;/

4 weeks ago

I just loooove taking pictures of lights or lamps of some sort. I don’t know. I just like it;))

BEEEELLLLSS;D

BEEEELLLLSS;D

At dahil marunong din sila mag-wacky;)) Happy new year everyone;D

At dahil marunong din sila mag-wacky;)) Happy new year everyone;D

1 month ago
Sa Likod ng mga Ulap

Panaginip ko ito kaninang umaga. Wala akong gustong iparating o kung anuman. Gusto ko lang i-share dahil ang astig ng panaginip kong ito. Sobrang detalyado ang pagkakaalala ko. Kakaiba! Handa ka na ba? ;)

Ramdam ko ang kaluskos ng hangin sa dingding ng aming pawid na bahay. Ramdam ko ang haplos ng malamig na hangin sa aking balat, na nagpapatindig ng aking balahibo sa buong katawan. Maliwanag ang sikat ng bilog na buwan. Malinaw ko nanamang makikita ang lahat. Magiging abala nanaman si nanay at tatay.

Noon pa man ay alam ko ng hindi normal ang aking pamilya. Batid ko na ilan lamang sa amin ang katanggap-tanggap sa mundong ito. Alam ko na kami lamang ng aking kapatid ang mga nilalang na kinikilalang kabilang sa mundong ito. At alam ko rin na ang aking mga magulang ay itinuturing na kakaiba at hindi kailanman matatanggap ng iba dito sa ating mundo.

Pagod na ako sa sitwasyong ito. Nagsasawa na kong makakita ng mga taong nag-aagaw buhay sa aming pamamahay. Napapagod na rin akong magtago at tumakas sa tuwing inaatake ang aming mga magulang. Kaya naman nakapagpasya na ko. Aalis na ko sa aming pamamahay.

Ngunit alam kong hindi magiging madali iyon. Alam ng aking mga magulang ang aking amoy at hinding hindi ako makakatakas sa lakas ng kanilang pang amoy. Alam ko rin na hindi kakayanin ng maiiksi kong binti ang tumakbo at makipagunahan sa maliliksi nilang galaw. Alam ko ang lahat ng ito. Ngunit mas hindi ko kakayaning manatili pa sa aming pamamahay. Gusto ko ng takasan ang ganitong buhay.

Isang gabi, madali akong umalis at tumakas sa aming bahay. Patuloy akong tumakbo ng tumakbo hanggang sa aking makakaya. Hindi ko na inisip ang kung saan man ako pupunta, kung liliko ba ako sa isang kanto o kung ano man, basta nanatili lamang ang aking mga binti sa pagtakbo. Nakikita ko ang anino ng aking nanay at tatay ngunit hindi ko ito pinapansin. Tago dito, lundag doon. Lusot dito, takbo roon. Hinahayaan ko nalang ang aking katawan na sumabay sa ihip ng hangin hanggang sa tuluyan na akong makalayo.

Ilang araw akong ganito. Tago ng tago, takbo ng takbo. Patuloy ko pa rin na nakikita ang anino ng aking mga magulang at batid kong sinusundan pa rin nila ako. Pero hindi ako nawawalan ng pag-asa. Umaasa akong mapapagod din sila at hahayaan na lamang akong mabuhay ng maayos at normal.

Sa patuloy kong pagtatago sa kanila, nakaramdam ng matinding gutom. Gusto ko ng tumigil tumakbo at lagyan muna ng laman ang aking sikmura. Nakakita ako ng isang pangmayamang restaurant na may pangalang Auntie Pearl’s. Sinubukan kong kumain dito ngunit napansin kong malapit nanaman sa akin ang anino ng aking mga magulang. Tumakbo muli ako at naghanap ng isa pang kainan. Nakita ko ang Boston Café sa isang madilim na eskinita at naisip na maaaring hindi nila ako pansamantalang matagpuan dito.

Sa loob ng Boston Café, kumain ako ng buffalo wings. May lumapit din na isang lalaki sa akin at nakipagkilala. Sa ilang araw na balot na balot ng takot, sa oras lang na iyon muli ako nakaramdam ng saya. Patuloy kaming nagkwentuhan at magaan kong naikwento sa kanya ang aking pinagdaraanan. Gustong gusto niya akong tulungan. At dahil sa kagustuhan niyang yun, agad-agad siyang nakagawa ng lumilipad na sasakyan upang madali akong makatakas at makapagtago.

Ayaw ko man siyang iwan ngunit naririnig at nararamdaman ko na ang mahihinang bulong ng aking mga magulang. Kailangan ko ng umalis. Ginamit ko ang sasakyan na ginawa niya sa akin at patuloy akong nakipagsapalaran at tumakas sa aking mga magulang. Ngunit wala akong nagawa. Hindi pa rin ako makawala sa kanila. Hanggang sa napagdesisyunan ko nalang na tanggapin ang aking nakagisnan. Tanggapin ang nakatakdang buhay para sa akin. Tanggapin at umuwi sa aming bahay.

Pag uwi ko ay parang wala lang nangyari. Normal ang galaw nila nanay, tatay at ng aking kapatid. Ngunit may isang bagay akong napansin. Napakagulo ng kwarto. Bilang wala rin naman akong magawa, naglinis na lamang ako at nag ayos ng mga gamit. Sa sobrang tambak-tambak ang mga gamit sa kwarto, naguluhan ako sa kung anong unang gagawin. Sobrang maalikabok at maraming langgam. At sa gitna ng pagkagulo ng aking isipan, tinawag ako ng aking kapatid.

Sa kaniyang mga tingin, alam kong may pinaplano siya. Tumabi ako sa kaniya habang inutusan niya ang aming nanay na kunin ang mga sinampay. Nagsisimula ng umulan noon. At batid ko na kapag naulanan si nanay, mas titindi at aatake nanaman ang kakaibang nilalang na nagtatago sa kanya. Sa takot, niyayaya ko na siyang pumasok muli ng aming bahay. Ngunit sarap na sarap siya sa ulan. Batid ko sa kanyang mga ngiti ang nararamdaman niyang sarap sa bawat patak ng ulan sa kanyang balat.

Habang nasisiyahan ang aking nanay sa mga patak ng ulan, kapansin pansin na rin ang pagpapalit niya ng anyo. Dali-dali namang naglabas ng bote ang aking kapatid. Ang bote ay punong puno ng kulay dugo na likido. Ininom ito ng aking kapatid at niyayaya ang aming nanay na uminom rin. Kitang kita ang pagkatakam ng aking nanay sa likidong ito. At para lalo pang matakam ang aming nanay, pinainom din ako ng aking kapatid. Hindi ko alam kung ano ba ito at hinayaan ko nalang na dumaloy ito sa aking lalamunan. Suko na ako at ayoko ng mag-isip pa ng mga bagay-bagay. Hindi ko na naisip kung lason ba ito at kung eto na ba ang magdidikta ng aking kamatayan.

Sa isang iglap, nakita ko na lamang na iniinom na rin ito ng aking nanay. Hanggang sa binulungan ako ng aking kapatid. “Lason iyon para sa kakaibang nilalang na nakatago sa katawan ni nanay. Ligtas na tayo!” Unti-unti naming nakita ang pagkamatay ng nilalang na iyon at nakita na rin namin ang tunay na anyo ng aming nanay. Mukhang ligtas na nga kami!

Sa kaso naman ng aking tatay, ang jacket na palagi niyang suot ang dahilan ng pagiiba niya ng anyo. Ito ay dahil sa isinumpa ito ng aking nanay habang siya ay nababalutan pa masamang espiritu.

Bumalik na sa normal ang aming pamilya. Nagtitinda na muli si nanay at tatay ng yosi at kendi sa kalsada. Isang araw, sinubukan kong tumikim ng yosi. Hirap man akong tumigil ngunit pinilit kong tanggalin ang yosi sa aking bibig at iniabot ito sa aking nanay. Humithit di si nanay at tinanong ako, “Saan mo ito natutunan?” Napangiti lamang ako at sabay tumingin sa salamin. Nakita ko ang pag-iiba ng hugis sa gilid ng aking mukha. “Dyan din ako nagsimula,” sabi ni nanay. Dito pala nagsimula ang kanilang pagiging aswang.


Chalk Board theme